Una sa Balita

Sexy actress super takam sa kargada ni sports celeb

By
0 2,855

Nawindang ang isa naming kaibigan nang tanungin niya ang isang sexy actress kung bakit nakipagbalikan siya sa humiwalay na boyfriend niyang sports celebrity.

Rason daw ng seksing aktres, sobrang laki raw kasi ng kargada ng BF niya! Kapag nagsasalo raw sila sa kaligayahan eh, dalawang kamay raw ang gamit niya pag hinahawakan ang ‘jun-jun’ ng dyowa, huh!

Eh, magaling din sa kama ang seksing aktres kaya binalikan siya ng sports celeb, huh!

Sey ng seksing aktres sa kaibigan, “Aayaw ka pa pag ganoon kalaki! Ha! Ha Ha!”

———–

Jake winasak ng mga fan nina Maine, Alden

Wasak na wasak si Jake Ejercito sa social media nang lumabas sa dyaryo na ipapareha siya sa isa sa episode ng Daig Kayo ng Lola Ko month-long episode ni Maine Mendoza na mapapanood simula ngayong Linggo, Hulyo 1.

Siyempre, imbiyerna ang mga AlDub fan kung sakaling totoo ang nasulat dahil ang wish nila ay si Alden Richards ang makapareha ni Meng sa kahit isang episode. Kung aktingan ang basehan, wala raw binatbat si Jake kay Alden!

‘Yung Maine fanatics naman, feel na feel si Jake na makapareha ang idolo nila. Tutal naman daw, may Janine Gutierrez si Alden sa coming series niyang Victor Magtanggol, huh!

Sa totoo lang, wala pang kumpirmadong aktor na makakapareha ni Meng sa mga episode bilang si Laura Patola. Ang nakita naming artista na makakasama ng Phenomenal Star ay si Tina Paner na binaliw-baliw ni Meng sa kanilang eksena, huh!

Wala namang masama kung sakaling magsama sina Maine at Jake sa GMA Sunday program. Tutal naman, magkaibigan na rin ang dalawa after nilang magsama sa KalyeSerye ng Eat Bulaga.

Saka parang walang katotohanan na tatakbo si Jake bilang konsehal sa Maynila dahil ang balita namin, ang kapatid niyang si Jerika Ejercito ang sasabak sa eleksyon next year, huh!