Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sexy actress pagod na sa panlalalalake

0 238

Pagod nang makipagrelasyon ang sexy actress, matapos ma-annul ang kasal niya sa dating dyowa.

Bagamat naranasan naman niya ang makipag-boyfriend after ng failed marriage niya, hindi rin naging tagumpay ang mga `yon.

Maalindog pa rin si sexy actress, kaya imposibleng walang magnasa at manligaw sa kanya. Pero, sabi nga niya, pagod na siyang makipagrelasyon pa at mas nakakapagod daw ‘yung mag-adjust na naman siya sa bagong makakarelasyon niya.

Pati buhay raw ng anak niya, parang naga-adjust din.

Pero batang-bata pa ang sexy actress kaya imposibleng hindi na ito ma-in love muli. So, abangan na lang natin kung mapapanindigan ni sexy actress ang hindi pumato sa lalake. (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.