Una sa Balita

Sexy actress nagpalit ng mukha, hindi nakilala ni aktor

0 1,335

abante-anything-goes-jun-lalinNatawa ako sa reaction ng isang aktor nang mapag-usapan ang isang sexy actress na produkto ng isang reality TV show.

Sobrang tinitigan daw niya ang picture ni sexy actress dahil kahit nakasama niya ito sa isa pang reality survival TV show, hindi raw talaga niya namukhaan.

“Nagpalit kasi siya ng pangalan at pati hitsura niya, nagpalit din, kaya hindi ko namukhaan kaagad. Tinitigan kong mabuti ang picture niya, saka ko pa lang na-realized na siya nga si (dating pangalan ni sexy actress).

“Nagpalit siya ng pangalan, nagpalit din ng mukha. Hahaha!” natatawang sabi ni aktor.

Actually, marami naman talaga sa showbiz ang parang sobrang addict sa pagpaparetoke. Hindi nga ba ‘yung isang alumna ng isang malaking bahay, hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil-tigil sa pagpaparetoke at parang ginawang bisyo na ang bagay na ‘yon?

Huwag na nating isali pa sa usapan ang isang aktres din na pabago-bago ang hitsura ng mukha at hindi yata niya mahanap hanggang ngayon ang perfect na look for her, kaya panay ang pagpapa-enhance ng kanyang hitsura, ‘noh?

Christian kawawa kina Ai-Ai, Lani?

Nang unang i-announce ng GMA 7 na kasama si Christian Bautista nina Ai-Ai delas Alas at Lani Misalucha bilang judge sa The Clash, ang ­singing competition show na iniho-host ni Regine Velasquez-Alcasid tuwing Saturday at Sunday, ang reaksyon ng iba ay baka kawawa raw ang singer/actor.

Feeling nila, matatabunan lang nina Ai-Ai at Lani si Christian, ‘noh? Pero nagkamali nga ng akala ang marami dahil kinabibi­­liban daw ng mga viewer ang paraan ng pagja-judge na ginagawa ni Christian sa Clash.

Bilib nga raw sila kay Christian dahil sa mga talk point at advice na binibigay niya sa mga clasher. Para nga raw kasi sa mga netizen, klaro at straight to the point ang sinasabi ni Christian sa mga contender ng The Clash at talaga namang nakatutulong ‘yon sa kanilang pagiging contestant.

Noong last weekend nga, um-agree ang mga viewer sa sinabi ni Christian sa naging tapatan ng dalawa sa mga nagtunggali para sa second round.

Sabi kasi ni Christian, dapat ay binabalanse raw ng bawat singer ang emosyong ibinibigay sa kanilang performance.

Sabi rin ng mga vie­wers, agree rin sila sa sinabi ni Christian tungkol sa song choi­ces na talagang nakakaapekto sa performance ng isang clasher.

So, happy nga ang mga fan ni Christian dahil hindi siya nagpapahuli kina Ai Ai at Lani, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More