Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sextortionist laglag sa entrapment

0 58

Kalaboso ang 26-anyos na lalaki matapos umano nitong takutin ang isang babae na ikakalat sa social media ang mga mahahalay nitong lara­wan kapag tumangging makipagtalik sa kanya sa Iriga, Camarines Sur.

Ayon sa mga awtoridad, nahaharap sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act ang suspek na si Darsi San Pascual ng Iriga, Camarines Sur.

Dinakip ito sa inilatag na entrapment operation ng pulisya sa isang motel sa lugar bilang tugon sa sumbong ng biktima.

Nakumpiska kay San Pascual ang cellphone na ginamit nito sa pagkuha ng mga larawan ng 21-anyos na biktima.

Sinabi ng biktima na tinatakot siya ni San Pascual na magiging viral sa social media ang kanyang mga larawan kapag hindi siya sumiping dito.

Tumanggi namang magbigay ng paha­yag ang suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.