Una sa Balita

Sex life ni Kris pinagdebatehan ng mga fan

0 602

abante-paistaran-dondon-serminoNasa mood si Kris Aquino na sumagot sa mga tanong ng kanyang mga follower. Sa Facebook page niya ay aktibo niyang sinasagot ang lahat ng tanong, pati na ‘yung mga nagkakainteres na manligaw sa kanya.

“Every day sasagot ako, gusto niyo man o hindi, diretsong sagot sa questions niyo,” post ni Kris.

At siyempre, sineryoso ito ng kanyang mga follower. Katakot-takot na tanong ang ibinabato sa kanya.

At heto nga ang isang nakakalokang tanong kay Kris:

“Kelan po last s*x nyo??? Hahahha!… Wala curious lang…” tanong ni RJ Bacus.

At sabi nga ni Kris, sasagutin niya ang lahat ng tanong, at heto na nga ang sagot niya.

“Hi RJ. I had mentioned PINTEREST as being an inspiration and now it’s also a source of information. I read this quote and in answer to your question it is PERFECT: She loved myste­ries so much, she decided to become one.”

Perfect ang alin?

Anyway, super react ang mga fan ni Kris na nag-alala, dahil feeling nila ay binastos nga ang idolo nila. Heto nga ang mga chika nila:

“Becoz Curious ka, do you need to ask this kind of question in public? Well , RJ Bacus, kelan ang last mo magshabu? Takot ka ano?”

Salas Kalvin Alwen: “RJ Bacus bakit ang bobo mo hahaha. Lakas ng tama. Shabu pa.”

Rachelle Diaz, “Respeto nman po gaya ng pagrespeto mo sa kaptid na babae at lalong Lalo n po nanay.”

Pero sagot nga ni RJ Bacus; “Wag po kayung magalit, kasi di po yun nakakamatay, si Kris nga di nagalit, kayo pa kaya?!!! Mga inggitera!”

Claudine ayaw makasama si Raymart sa teleserye

Diretsahang sinagot ni Claudine Barretto na ayaw niyang makasama ang ex-husband niyang si Raymart Santiago sa isang pro­ject sa ABS-CBN. Pareho ngang nagbabalik-Dos sina Claudine at Raymart.

Si Raymart ay kasama sa “Ang Probinsyano,” at si Claudine ay bida sa episode ng “Maalaala Mo Kaya” sa Sabado, kasama si Jameson Blake.

Sa guesting ni Claudine sa “Tonight With Boy Abunda,” tinanong siya kung papayag ba siyang makasama si Raymart sa “Ang Probinsyano.” Ang sagot niya, kapag wala na siya (Raymart), doon na lang siya lalabas sa “Ang Probinsyano.”

Anyway, sa “MMK” ay isang matinding hamon ang lalagpasan ni Jame­son sa kanyang pagganap bilang ang PBB Star Dreamer at ABS-CBN Star Hunt dance artist na si RJ Cunanan upang maabot ang kanyang pangarap ngayong Sabado (Abril 27).

Lumaki sa Brunei si RJ (Jameson Blake) kasama ang tiyahin at nakagisnang nanay na si Vi­vian, na gagampanan ni Claudine sa kanyang pinaka-latest na pagbabalik-telebisyon. Dahil sa buong suporta ni Vivian, ipagpapatuloy ni RJ ang paglilinang ng pagsayaw lalo na nang umuwi silang mag-tiyahin sa Pilipinas.

Kinakitaan ni Vi­vian ng buong-pusong dedikasyon ang pinakamamahal na anak-anakan para matamo ang mga pa­ngarap. Ngunit sa kabila ng kagustuhan nitong ma­ging isang propes­yunal na mananayaw at kila­lang mananayaw sa Dancesport, malalaman nilang mayroong Guillain-Barré Syndrome (GBS) si RJ, isang bihirang neurological na kapansanan sa utak, na unti-unting paparalisa sa kanyang katawan, simula sa kanyang mga paa at kakalat sa buo nitong pangangatawan.

Alamin sa “MMK” ang magaganap.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy