Una sa Balita

Severino petmalu kay Reyes

By
0 731

Nakaungos si Sander Severino ng Silay City, Negros Occidental kay fellow Fide Master Narquingden Reyes ng Rodriguez, Rizal para magkampeon sa katatapos na 4th Julio Trunio Chess Cup na ginanap sa Pinoy Chess Club Online Facebook site.

Si Severino, Asean Para Games gold medalist, ay nakatangap ng top prize na P1,500 habang naibulsa naman ni Reyes, miyembro ng PLDT MVP Olympic chess team champ, ang runner-up prize na P1,000 sa single-elimination tournament, knockout format.

Ang two minutes bullet time control format ay suportado ni sportsman Julio Trunio Jr., sa pakikipagtulungan ng MindChess Philippines at ni Chairman Capt. Bw Ronaldo ‘Rnb’ Banaag.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Pinoy Chess Club Online Facilitator, Arbiter FNA Noel Morales, kinakailangan munang talunin ni Severino sina National Master Ronald Llavanes, Joey Albert Florendo at Alcon John Datu para makapuwersa ng titular showdown kay Reyes, na wagi naman kina National Master Marc Christian Nazario at Rolzon Roullo, at Jerome Villanueva, ayon sa pagkakasunod.

Naibulsa ni third place Villanueva ang P700 habang naisukbit naman ni 4th place Datu ang P500.

Samantala, tuloy na ang 1st Teofilo Paez Memorial Chess Cup tournament sa Abril 7, 2018, Sabado, sa Pinoy Chess Club Online Facebook site.