Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

SethDrea, KyCine pumalag sa mga bully

0 46

Napapanahon ang bagong adbokasiya ng “Huwag Kang Mangamba” stars na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Kyle Echarri at tungkol ito sa responsableng paggamit ng social media.

Lumabas ang apat sa video na inilabas ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment noong weekend kung saan sinasabing bagama’t maraming magagandang bagay ang nakukuha natin sa social media, nagdudulot din ito ng sakit at hirap sa iba gaya ng cyberbullying, pamba-bash, harassment, pamba-blackmail, at depresyon lalo na sa mas nakababatang user.

“Let’s make social media a safe space. Let’s encourage responsible use of social media,” ang nakasulat na caption ng video.

“Sa online world, connect with respect,” sabi ni Seth.

“Give love and make no hate,” say naman ni Francine.

SM food to go Banner Ad

“Spread the truth, not the fake,” ang panawagan ni Kyle.

“Inform, inspire, and don’t tell a lie,” deklarasyon naman ni Andrea.

“Be true, be you sa bawat click, like, and share,” sabi pa ng apat na teen star.

Suportado naman ng mga fan ang bagong ipinaglalaban ng original Squadmates.

Nakakaintriga rin na may pa-advocacy ang bagong proyekto ng apat. Talagang sila ang masasabi nating tagapagpalaganap ng positivity ngayon ha, dahil makakakuha ka rin ng good vibes at inspirasyon sa serye nilang “Huwag Kang Mangamba.” (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.