Una sa Balita

Seth patutumbahin si Steph

YARI KA KUYA!

0 492

BALIK sa dati nilang teritoryo sa Charlotte ang magkapatid na Stephen at Seth Curry para sa 2019 All-Star Weekend na iho-host ni Michael Jordan at ng Hornets.

Sa Charlotte lumaki ang magkapatid na ­Curry, dito sila unang natutong maglaro – backyard ­basketball, minsan silang dalawa lang.

At ngayong araw, muling magtutuos ang dalawa sa NBA 3-point shooting contest.

Tampok din sa kumpetisyon sina 2006 champion Dirk Nowitzki ng Dallas, Devin Booker ng Phoenix, Danny Green ng Toronto, teammate ni Seth sa Portland na si Damian Lillard, Kemba Walker ng Charlotte, Joe Harris ng Brooklyn, Khris Middleton ng Milwaukee at Buddy Hield ng Sacramento.

Locked in sina Steph at Seth sa isa’t isa. Tatangkaing ulitin ni Steph ang 2015 3-point shooting title niya.
Espesyal sa angkan ng mga Curry ang contest dahil kay Seth. Ayon kay Steph, sobrang busy na ng kanilang family group text nang malaman ng lahat na kasali si Seth.

Hindi mawawala sa event ang trash talking ng magkapatid.

Mga bata pa lang, kapag may game daw ang pamilya na may kailangang manalo, walang gustong patalo sa dalawa.

“I’m trying to win it, so I’m going to target every­body,” giit ni Seth. “It should be very entertaining to watch us bot shoot out there. But I gotta beat everybody, not just him, to win it.”

Hindi na nga sumali sa contest ang teammate ni Steph sa Warriors na si All-Star guard Klay Thompson dahil mas gusto niya raw maupo sa sidelines, maging fan at panoorin ang shootout ng mga ­Currys.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy