Una sa Balita

Seth nag-propose kay Andrea

0 296

Handang-handa na sa ABS-CBN Ball ang dalawa sa Gold Squad na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Sa Instagram nila, halos langgamin nga ang dalawa sa sobrang ka-sweetan nila.

At dahil first time ni Seth sa ABS-CBN Ball, tala­gang ginalingan niya ang pagpo-propose kay Andrea para maka-date ito sa nasabing event.

“Salamat Marga este ms. @blythe sa pagpayag na maging ka-partner ko sa darating na ABS-CBN Ball.

“At lagi mong tatandaan, kahit na anong sabihin ng iba respeto ko sa iyo ay kailanman hindi mawawala,” caption ni Seth sa picture kung saan sinorpresa nga niya si Andrea.

Makikita nga na napapalibutan ng pulang lobo ang kuwarto, heart shaped candle lights, may pa-sunflowers pa para kay Andrea at may kasama pang stuffed toy na aso ang set-up ng sorpresa ni Seth sa kanyang pag-propose sa batang aktres.

Nag-reply naman si Andrea sa post ni Seth, nagpapasalamat dito at tinawag pa itong ‘potchi’ bilang kanilang terms of endearment.

“First time experiencing a surprise like this!! Thank you Potchi! @imsethfedelin syempre di naman ako tatanggi maging partner mo sa ABS-CBN Ball lakas mo sakin eh,” sabi naman ni Andrea kalakip ang candid shot ni Seth at kasunod naman ang eksena kung paano siya sinorpresa ng on-screen partner.

Pero ang tanong nga, proposal lang ba ito para sa ABS-CBN Ball o proposal bilang dyowa na? Abangan! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy