Una sa Balita

Seth Fedelin naibili ng kotse ang ama

0 341

Ni Dondon Sermino

Dahil sa ‘Kadenang Ginto’:

Sa unang tingin pa lang, alam mong magiging big star talaga si Seth Fedelin. Masyadong maganda ang kanyang mga mata para hindi mo mapansin.

Para bang kapag tinitigan ka na niya, maaakit ka talaga. Kaya hindi kataka-taka na kahit si Julia Barretto ay type na type siya.

Anyway, isa na nga sa rising teen star nga-yon ang former “PBB Otso” housemate dahil sa patuloy na pagdami ng kanyang mga fan. Magandang exposure rin kasi ang pagpasok niya sa hit teleseryeng “Kadenang Ginto” at makapareha pa si Andrea Brillantes.

At dahil nga sa sunod-sunod na mga blessing, eh nakabili na siya ng kanyang kauna-unahang kotse. Nakita namin sa Facebook ang litrato niya na may hawak na susi at proud na proud sa kanyang pinaghirapan. Pero hindi pala para sa kanya ang kotse dahil sorpresa niya pala ito sa kanyang tatay. Magandang investment din ito dahil puwede niyang magamit sa kanyang trabaho.

Sabi rin sa post, niregaluhan din ni Seth ng mamahaling c­ellphone ang kanyang kapatid.

Generous naman pala pagdating sa pamil-ya itong si Seth, kaya tuloy-tuloy ang biyaya.

Mukha ngang magiging maganda pa ang takbo ng karera ng binatilyo dahil bukod sa hit teleserye niya, may upcoming horror film din siya kasama si Beauty Gonzales at kakapirma niya lang ng kontra sa ABS-CBN.
Ang bongga ngang makita na sa contract signing ni Seth sa ABS-CBN ay dumalo talaga ang mga big boss, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy