Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Set nina Barbie, Tony pang-Hollywood

0 221

Naging sentro ng usapan sa Twitter ang set ng ABS-CBN serye na “Bagong Umaga” nina Barbie Imperial, Tony Labrusca, at iba pa, matapos mag-post ang isang netizen tungkol dito.

Tweet ni Mark Tome, “Nagulat ako na may itinayong community sa loob ng ABS-CBN Compound para ligtas na makapagshoot habang may pandemiya. Nakakatuwa! Kung sino man ang PD (Production Design) nito. Ang husay!”

Kapag nakita ng kahit sinuman ang pictures sa post niya ay iisipin mong tunay na studio compound ito.

Kumpleto nga at mukhang pinag-isipan ang pagtayo nito sa parking lot ng ABS-CBN dahil kuhang-kuha nito ang itsura ng mga eskinita, sampayan, pati basketball court ng isang baranggay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon nga kay @onlyjacknicole, “The production value! Hindi halatang nawalan ng franchise.”

“A brilliant idea! The ABS-CBN compound will not be a white elephant after all. Production costs will be less expensive,” sabi ni @Patring29.

Saad ni @its_bliss7, “Parang Universal Studios.”

“Cool. Parang mga studio ng iba’t ibang production sa US. Very realistic,” ani ni @rita426.

Sa mga na-curious sa nasabing set, panoorin niyo ang “Bagong Umaga,” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 PM, pagkatapos ang “It’s Showtime” sa A2Z channel na mapapanood na rin sa digital TV boxes tulad ng TVplus. (DS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.