Una sa Balita

Seryosohin ang paglaban sa sakit na kanser – Angara

0 102

ITINULAK ni Senador Sonny Angara ang pagsasabatas ng panukala upang tulungan ang gobyerno sa pag­laban sa sakit na kanser, na siyang pangunahing dahilan ng kamatayan sa bansa at bumubutas sa bulsa ng pas­­yente at kanilang pamilya.

Si Angara ay naging co-sponsor ng report ng Se­nate Committee on Health and Demography at nag-endorso para sa plenary approval ng panukalang National Integrated Cancer Control Act, produkto ng pinagsama-samang panukalang batas, kabilang na ang Senate Bill No. 1570 ng senador.

Sa kanyang sponsorship speech, hinikayat ni Angara ang mga kasamahan sa Senado na sunggaban ang pagkakataon na makagawa ng polisiya sa paglaban sa sakit na kanser at maging abot-kamay ang paggamot sa sakit na ito.

“We are presented with the rare opportunity to give cancer-stricken Filipinos a fighting change, as well as institute policies and programs for prevention and early detection of this disease,” saad ni Angara.

“I urge my fellow senators to let this Senate be remembered as the body who pushed for comprehensive care for cancer patients and the prevention of this di­sease,” dagdag ng senador.