Una sa Balita

Seryoso ang PNP

0 222

Umakyat na sa mahigit 300 katao ang ina­resto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa vote buying at selling sa katatapos na 2019 midterm election.

Sa pinakahuling record na tinanggap ng PNP National Election Monito­ring Action Center (NEMAC) uma­bot na sa 301 ang luma­bag sa 120 kabuuang insidente.

Sa dami na ng eleksiyong nangyari sa ating bansa, ngayon lamang tayo naka-monitor ng pagseryoso ng PNP sa kaso ng selling at vote bu­ying­.

Dahil sa dami ng mga na-report na kaso ng sel­ling at vote buying­ ay marami ang naaresto at nakasuhan.

Pero sana nga ay magtuloy-tuloy ang kaso sa mga nahuling bumibili at nagbebenta ng boto para matauhan ang mga pasaway na politiko at kanilang mga alipores na gumagamit ng salapi para manatili o maluklok sa puwesto.

Hindi sana ni­ngas-kugon lamang ang gina­wang paghuli sa mga sangkot sa bilihan at benta­han ng boto kung saan ay hindi naman seseryosohin kalaunan ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.

Sa kabuuan ay nais natinig papurihan ang PNP dahil naging mapayapa ang ating halalan sa kabila ng pagpapasabog at aberyang nangyari sa mga polling precinct.

***

Sa kabilang dako, natapos na rin ang pinaka­aabangang halalan sa bansa.

Bagama’t nagkaroon ng aberya sa mga polling precinct na hindi naman talaga natin maiiwasan pero ang maganda ay natapos na rin at magkakaroon na tayo ng mga bagong opisyal sakaling matapos na ang opisyal na bilangan ng boto.

Sa mga manana­lo, isang pagbati ang nais nating ipaabot.

Pero sana naman ay tuparin ninyo ang inyong mga ipinangako sa taumbayan.

Hindi iyong pagkatapos manalo ay mahirap na kayong hagilapin ng mga botanteng inyong pinangakuan ng kung ano-anong klaseng tulong noong panahong kayo ang dumudulog para mailuklok sa puwesto.

Ipakita niyo naman na karapat-dapat kayo sa bawat botong ibinigay sa inyo ng ating mga kababayan.

Sa mga talunan naman sa katatapos na eleksyon, kailangang tanggapin natin ang ating pagkabigo.

Maaring hindi pa pasado ang serbisyong inyong inilalako sa inyong mga kababayan kaya hindi kayo nangibabaw.

Subalit kung kumbinsido kayo­ng nadaya, nasa inyo ang karapatang ipaglaban ang botong ibigay sa inyo ng inyong mga kababayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy