Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Serye sa Dos tuloy pa rin: Bea ‘di totoong lilipat sa Singko

0 558

Kinumpirma ni Christian Bables na tuloy pa rin ang teleserye ni Bea Alonzo na “Kahit Minsan Lang kung saan parte siya nito.

Sa huling pag-uusap daw nila ng production ay postponed lang daw ang shooting nito.

Sabi pa ni Christian, noong huli raw niyang makausap ang executive producer ng serye nila ay in-assure siya nito na tuloy pa rin ang taping nila, at medyo postponed lang daw.

Pero hindi raw siya sure kung kailan sila magti-taping, at depende nga `yon sa sitwasyon ng COVID-19 na lalo pa ngang tumataas ang mga may sakit.

Naging palaisipan kasi sa karamihan kung matutuloy pa ang serye lalo na at hindi nga na-renew ang prangkisa ng Dos.

Excited pa ang lahat dahil kasama ni Bea sa naturang serye sina Richard Gutierrez, Rafael Rosell at Jameson Blake.

Eh, may bulung-bulungan nga na plano raw lumipat ni Bea sa TV5. So, bulung-bulungan lang talaga `yon at walang katotohanan, dahil mananatili sa Dos ang mahusay na aktres. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.