Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Serye ni Jodi tinutukan ng mga hater ng Dos

0 556

Umabot agad sa 1 million views ang trailer ng bagong teleserye ng ABS-CBN na “Ang Sa Iyo Ay Akin” isang araw lang matapos itong i-upload sa Facebook.

Nakakabilib ha? Kasi kahit alam naman ng lahat ang pinagdaraanan ng network sa pagkaka-deny ng franchise nito, wala pa ring tigil ang ABS-CBN sa paghandog ng de-kalibreng teleserye sa mga manonood. Patunay lang na sabik pa rin ang publiko sa mga palabas mula sa Kapamilya network.

Deserve talaga ng bagong serye ng Dos ang atensyon na nakukuha nito dahil palaban at mahusay ang cast nito. Bida rito sina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado na mag-aagawan sa yaman at karapatan. May eksena pa na pinigtas ni Jodi ang perlas na kwintas ni Iza na para bang simbolo ng kanyang paghihiganti sa lahat ng hirap na dinanas niya. Matinding bangayan na naman ito at kahit ako hindi na makapaghintay!

Todo puri rin ang netizens sa kwento ng serye at maging sa ABS-CBN dahil patuloy nitong pinatutunayan ang katatagan nito sa kabila ng mga kinakaharap nitong pagsubok.

“Ang ganda! Superb talaga gumawa ng teleserye ang ABS-CBN. Tapos ang mga tuwang-tuwa na naipasara ang ABS, manonood din yan! Mga hypocrite lang ang peg,” komento ni ng Facebook user na si Mitch Awit.

“Ang galing ninyo talaga sa paggawa ng teleserye at kahit na movie wala kayong katulad. Kaya inggit na inggit sa inyo ang mga kalaban kasi wala kayong kupas,” papuri ni Fely Jarin.

Kung pagbabasehan ang komento ng netizens, marami talaga ang gusto nang makabalik sa ere ang ABS-CBN dahil ngayon wala na silang mapanood sa TV. Malaki ang nabawas na saya sa araw-araw nilang pamumuhay ngayong hindi na nila napapanood ang paborito nilang mga palabas.

Bagama’t patuloy ang pagtuligsa ng mga anti-franchise renewal sa network, mas maraming Pilipino pa rin ang naniniwalang dapat magpatuloy pa rin ang ABS-CBN dahil sa kontribusyon nito sa kultura, kabuhayan, at karangalang ibinigay nito sa bansa.

At sabi nga, for sure, ang mga hater ng Dos, abang-abang at super tutok pa rin sa teleserye na ito nina Jodi at Sam Milby. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.