Una sa Balita

Serye ng patayan sa bansa, makakaapekto sa ekonomiya

0 531

Dapat ay mabilis na kumilos ang Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agency upang lutasin ang kaso ng pagpatay sa pangunguna ng mga lokal na opisyal.

Ang huling mga napatay ay sina Tanauan City Batangas Mayor Tony Halili at Gen. Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ang mas masaklap dito ay umaga nang pinatay ang dalawang alkalde na kitang-kita ng publiko.

Abante Hiring – IT dep

Ipinapakita ng pagpatay kay Halili at Bote na walang takot ang mga pumaslang sa dala­wang lokal na opisyal.

Iba’t ibang anggulo ang motibo sa nasabing kaso at kasama diyan ang hinala na sadyang pinapatay lalo na si Halili dahil sa pagkakasangkot umano sa iligal na droga.

May mga pagdududa din na tila kabahagi pa rin ang nasabing pagpatay sa kampanya ng Duterte administration na parang nangyari sa mga pinaghihinalaang drug pu­sher at user.

Pero kung mabilis ang aksiyon at malulutas agad ng PNP ang nasabing mga kaso ng pagpatay ay malalaman na ang motibo at hindi na lalawak pa ang mga espekulasyon na maaring makaapekto sa ating ekonomiya.

Kung magdudulot kasi ng pangamba sa mga negosyante, lalo na ang mga dayuhang mamumuhunan na laganap ang patayan at hindi ligtas sa bansa ay maaring umatras ang mga ito ng kanilang negosyo sa bansa.

Kung mangyayari ito ay maa­ring makaapekto ito sa ekonomiya sa gitna ng pangamba ng mga negosyante.

Kapag nalutas sa lalong madaling panahon ang nasabing krimen ay mapa­panatag na ang kalooban ng mga negosyante at buong sambayanan.
Sana naman ay matigil na ang masabing pagpaslang dahil maaaring magdulot din ito ng takot sa pangkaraniwang mamamayan.