Una sa Balita

Serrano kayod ng 18; DLSU ikinahon ang UE

By
0 82

Mga laro sa Sabado:
(Araneta Coliseum)­
2:00 p.m. – DLSU vs Adamson
4:00 p.m. – FEU vs Ateneo

LUMABAS na ang tikas ni Encho Serrano, kahapon ay nagpaki­tang-gilas ito upang akayin ang De La Salle University sa 79-59 panalo kontra University of the East sa 81st UAAP Basketball Tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tumikada si Serrano ng 18 points, anim na rebounds at tigalawang assists at steals para sa Green Archers na dinomina ang laban mula umpisa hanggang sa huli.

“Kahit sino ang kalaban namin, we need to put the work in,” saad ni head coach Louie Gonzalez.

Tangan ang limang puntos na bentahe sa first canto, unti-unting kumalas sa se­cond quarter upang uma­lagwa sa 11 ang lamang, 47-36 sa halftime.

Nag-ambag si Andrei Caracut ng season-best 16 points, anim na boards at da­lawang assists upang sikwatin ang back-to-back wins at ilista ang 5-3 karta. 

“With the standings,­ every win counts,” ani Gonzales.

Namuno sa opensa­ para sa Red Warriors­ si Alvin Pasaol na may 22 puntos at 17 rebounds.