Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Serrano dribol sa Ginebra 3×3

0 236

SOKPA sa PBA 3X3 tournament si former DLSU Green Archer Encho Serrano, Bukod sa pasabog na pagpasok sa tatluhan, mas naging kapana-panabik ito nang aminin niyang sa Ginebra ito didribol.

Inihayag ito mismo ni Encho sa Shot First YouTube program ni Mikee Reyes. “Maglalaro ako sa 3×3 sa PBA. Sa Ginebra,” aniya. “Wala pa `kong team sa MPBL. Tsaka yung naisip ko rin, may experience naman ako sa 3×3.”

Magugunitang huling naglaro si 22-anyos Serrano sa MPBL at NBL kung saan kumuha siya ng magkahiwalay na titulo.

Naging parte ng Gilas Youth 3×3 si Serrano noong 2017 kung saan nakasama niya sina Juan Gomez de Liano, AJ Edu at Rhayyan Amsali. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.