Una sa Balita

Sereno‘di susuko sa impeachment

By
0 784

WALANG balak si Sup­reme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno na sumuko sa panawagan na magbitiw na siya sa tungkulin para itigil na rin ang mga aksyon na ginagawa laban sa kanya.

“I will not bow to the powers that be,” deklaras­yon ni Sereno sa kanyang talumpati sa isang pagtitipon kahapon, Araw ng Kagitingan, na inorganisa ng Movement Against Tyranny.

Ipinahayag ni Sereno ang kanyang tapang at pangako na ipaglaban ang kalayaan ng hudikatura.

Sinabi ni Sereno na may mga taong malalapit sa kanya ang nagpayo na pansamantalang sumuko para matigil na ang ginagawa sa kanya.

“I cannot [because] I must retain the ability to look at every citizen in the eye and say fight on with courage, hang on to your principles, never yield, never give up,” ayon kay Sereno.

Aminado rin ang Punong Mahistrado na sa kabila na walang basehan ang impeachment complaint laban sa kanya, tanggap na niya sa sarili na aakyat sa Senado ang reklamo.

Ayon pa kay Sereno hindi siya padadaig sa ‘bullying’.

“We are not destined to slavery but to freedom. What is evil, we denounce; what is good, we affirm,” dagdag pa nito.