Una sa Balita

Sereno walang kawala sa pag-usig ng 14 Justices

By
0 8,744

Itinakda ng Supreme Court (SC) en banc ang oral argument sa quo warranto case na isinampa ni Solicitor General Jose Calida laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kasabay nito ay inatasan din ng SC en banc si Sereno na dumalo sa oral argument para personal na sagutin nito ang mga katanungan na ipupukol sa kanya ng 14 na kasamahang mahistrado kaugnay sa quo warranto case na inihain ni Calida.

Sa ginanap na en banc session ng mga mahistrado kahapon, napagkasunduan na itak­da sa Abril 10, alas-dos ng hapon ang oral argument sa kanilang session hall sa Baguio City.

Kaugnay nito, ibinasura rin ng mga en banc ang Motion for Leave to File Motion for Intervention at Opposition-in-Intervention na inihain noong Marso 19 ng Bayan Muna at iba pang grupo, at ang Joint Omnibus Motion for Leave to Intervene and to Admit Attached Opposition-in-Intervention isinampa ni Zorayda Amelia C. Alonzo at iba pang grupo.

Una nang iginiit ni Calida na layunin lamang ng mga nabanggit na grupo na lalong maantala ang pag-usad ng quo warranto case laban kay Sereno.

Sinabi pa ni Calida na wala namang interes o kinalaman sa kaso ang mga nasabing grupo.