Una sa Balita

Sereno pinagalitan ng SC sa kadaldalan

By
0 2,487

PINAGALITAN ng mga dating kasamahan sa Supreme Court (SC) si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil sa ginawa nitong pagpapahayag sa publiko sa merito ng kanyang quo warranto case sa kabila nang na­kabinbin pa ang pagdinig nito.

Kinastigo rin si Sereno sa ginawa niyang pag-atake sa ilan niyang da­ting kasamahan sa SC.

Sa ginanap na en banc session kahapon, nagbabala ang mga mahistrado kay Sereno na papatawan siya ng mas mabigat na parusa kapag inulit niya ito.