Una sa Balita

Sereno napipisil sa LP senatorial ticket – Robredo

By
0 937

KINUMPIRMA ni Vice President Leni Rob­redo na isa si dating Supreme Court chief Justice Maria Lourdes Sereno sa nominado ng Liberal Party (LP) para mapabilang sa senatorial line up ng partido sa 2019 senatorial election.

Ayon kay Robredo, chair ng LP may nag-no­minate na umano kay Sereno ngunit hindi pa umano nila ito nakakausap.

“May mga nag-no­minate ng kaniyang pa­­ngalan, pero hindi pa namin siya nakakausap,” ayon kay Robredo.

Sinabi pa ng panga­lawang pangulo na bukas ang kanilang pintuan para kay Sereno kung interesado umano ito dahil nakakatiyak umano silang mala­king dagdag sa kanilang ti­ket ang dating punong mahistrado lalo na pagdating sa reporma sa hudikatura na siyang kailangan ngayon ng bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy