Una sa Balita

Sereno madidikdik sa 6 articles of impeachment

By
0 1,934

INAPRUBAHAN na sa botong 33-1 ng House committee on justice kahapon ang committee report nito at ang anim na articles of impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Si Leyte Rep. Vicente Veloso ang naghain ng mosyon para aprubahan na ang committee report at articles of impeachment laban kay Sereno.
Sa ginanap na botohan, mag-isa lamang si Quezon City Rep. Jose Christopher ‘Kit’ Belmonte na kumontra.

Sinabi ni House committee on justice chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na ihahain nila ang committee report at articles of impeachment sa plenary ng Kamara para pagbotohan.

Kumpiyansa si Umali na hindi na sila mahihirapang makakuha ng 1/3 vote sa plenaryo ngunit dahil magre-recess ang ­Kongreso ay inaasahang sa buwan pa ng Mayo isasagawa ang botohan.

“‘Yung lahat na ‘yun malakas ‘yun… kumpletong ebidensiya saka may basis doon sa psychiatric evaluation. The docu­ments and our evidence will speak for itself,” giit ni Umali.

“Isa-submit na namin doon sa rules committee para mai-schedule na ‘yung plenary votes on these articles of impeachment… the Majo­rity Lea­der and the rules committee has 10 session days to dispose of it. If I will base it on the pronouncement of the Speaker (Pantaleon Alvarez) and Majo­rity Lea­der (Rudy Fa­riñas) I think after the break,” paliwa­nag pa ni Umali.

Samantala, nagpaabot din ng mensahe ang nag­hain ng impeachment case laban kay Se­reno na si Atty. Lorenzo Gadon.

“Mag-resign na lang siya para mai­ligtas ang sarili sa kahihiyan,” sabi ni Gadon.

Nabatid na ang committee report ay binubuo ng 45 na pahina habang may 56 pahina naman ang anim na articles of impeachment laban kay Se­reno.

Nakapaloob sa articles of impeachment ang apat na batayan para mapatalsik sa puwesto si Sereno, kabilang dito ang culpable violation of the Constitution, corruption, betrayal of public trust at iba pang high crimes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy