Una sa Balita

Sereno iligal ang pagbili ng ₱5M SUV

By ,
0 1,985

Maanomalya ang pagbili ng Korte Suprema sa luxury vehicle ng napatalsik na si da­ting Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay batay sa nila­laman ng Audit Observation Memorandum na may petsang June 1, 2018 ng Commission on Audit (COA) na ipinadala kay acting Chief Justice Antonio Carpio.

Sa apat na pahinang memorandum, tinukoy ng COA na ang pagbili sa Toyota Land Cruiser na nagkakaha­laga ng P5.1 million ay taliwas sa itinatakda ng Republic Act No. 9184 o Government Procurement Reform Act at sa Internal Rules and Regu­lations nito.

Ayon sa COA, ang presyo ng SUV na P5.1 million na ginamit bilang batayan sa Approved Budget for the contract (ABC) nang walang market analysis para matukoy kung ito ang pinakapaborable sa Korte Suprema ay labag din sa Revised IRR ng RA 9184.

Dahil dito ay napagkaitan kasi ang iba pang supplier na makasali sa bidding.

Tinukoy pa sa memorandum ang naantalang pagsusumite ng kontrata sa resident COA Auditor na dapat ay ginawa sa loob ng limang araw magmula nang malagdaan ang kontrata.

Matatandaang ang naturang bullet proof na sasakyan ay kabilang sa mga alegasyon ni Atty. Lorenzo Gadon sa impeachment complaint na isinampa kay Sereno.
Gayunman, iginiit ni Sereno na inaprubahan ito ng SC En Banc at hindi ito isang impea­chable offense.