Una sa Balita

Serena Williams kay Alexis Ohanian: I Do!

0 11

Kumbaga sa tennis, love-love ang iskor.

Dahil puno ng ‘love; ang gabi ng Huwebes sa Contemporary Arts Center sa New Orleans nang bitawan ni tennis star Serena Williams ang ‘I do’ niya nang ikasal na kay Reddit co-founder Alexis Ohanian.

Star-studded ang kasalan nina Williams, 36, at Ohanian, 34. December 2016 nang ihayag ng dala­wa ang planong pakasal.

Naglalaro si Serena sa Italian Open noong May 2015 nang unang magkita sila ni Ohanian sa poolside ng isang hotel sa Rome. Speaker si Ohanian sa isang tech conference.

Habang ipinatutumba ni Serena ang mga nakaharap sa tennis court, tuloy ang relasyon nila ni Ohanian. January 2016, bisperas ng Australian Open, nakumpirma ni Serena na buntis na siya. Na-plano ang kasal pagkapanganak ni Serena, sa isa sa pinakapaborito niyang lungsod.

Pagkatapos ng 23 Grand Slam titles, dumating ang baby. Bago matapos ang 2017, ang fairytale wedding naman ni Serena ang naganap tatlong buwan matapos ipa­nganak si Alexis Olympia Ohanian Jr.

Si rapper Jay-Z ang isang matunog na guest sa pribadong kasalan, pero ayon sa reports ay naka-iskedyul siyang mag-perform sa Charlotte.

Ang asawa ni Jay-Z na si Beyonce ang sinasabing nasa kasalan, kasama sa listahan ng pinakasikat na mga personalidad.

Nasa rehearsal daw Miyerkoles ng gabi si actress Eva Longoria. 

‘Beauty and the Beast’ daw ang tema ng kasalan, sa ulat ng press at paparazzi na tahimik na nag-abang sa labas ng venue na maya’t maya ang dating ng deliveries ng mamahaling pagkain at alak.

Ilan pa raw sa ‘close family and friends’ na nasa kasalan sina Kim Kardaishan, Ciara, at siyem­pre ang kapatid niyang si Venus Williams.