Una sa Balita

Serena umatras din sa Australian Open

0 1,112

Sumunod na ring umatras si Serena Williams sa pagpalo sa Australian Open.

Sinabi ng betera­nang tenista na hindi pa siya gaanong preparado para maki­pagpaluan sa mataas na lebel ng torneo matapos ang kanyang panganganak noong Setyembre ng nakalipas na taon.

Nag-post si Serena ng mensahe sa kanyang social media, Biyernes, na aniya’y … “After performing in my first match after giving birth I realized that although I am super close I’m not where I personally want to be. 

“My coach and team always said ‘Only go to tournaments when you are prepared to go all the way’,” ani pa ni Serena na tinalo ang kanyang utol na si Venus sa Australian Open noong 2017.

Lumalaban ang bagong mom sa isang tennis match sa nakalipas na buwan – una buhat nang magsilang ng baby girl noong Setyembre.

Ito’y ang exhibition match kontra Latvian player Jelena Ostapenko sa Mubadala World Tennis Championship sa Abu Dhabi, ulat ng TMZ.

Patungkol sa Aussie Open, hangad niyang makabalik at lumaro sa ibang pagkakataon.