Una sa Balita

Serena balik-Aussie Open sa Enero

By
0 17

Tinanggap ng bagong inang si US tennis star ­Serena Williams na makaporma sa Australian Open, inaabangan ang pagbabalik niya sa torneo sa Enero, limang buwan matapos siyang magsilang, pahayag ng organisador.

Kabilang ang defending women’s singles champion sa 98 buhat sa top 100 women, at lahat ng men’s top 100, na kumpirmado na para sa pagbubukas ng 2018 Grand Slam.

Kapwa taga-Melbourne sina world number one Simona Halep at 16-time Grand Slam champion Rafael Nadal, pero mas tutok ang lahat kay Williams, na nanalo pa ngayong taon sa torneo habang nagdadalang-tao.

Sambit ni tournament director Craig Tiley nitong linggo na sigurado nang makakabalik si Williams sa pagbubukas ng Grand Slam season, at inuulit pa niya ang sentimyento.

“Last year’s tournament broke all of the records and we look forward to welcoming back new mum Serena as she attempts to equal Margaret Court’s 24 Grand Slams,” sambit niya.