Una sa Balita

Serbisyong malapit sa tao

By
0 137

Bilang suporta at ayon na rin sa adhikain ng admi­nistrasyon na ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa tao, tagumpay na nabuksan ang ilang mga tanggapan ng mga itinuturing na frontline agencies sa Lungsod ng Bacoor.

One-stop-shop

Sa pagsisikap ng ating tanggapan at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa pangunguna ng POEA, pinasinayaan noong nakaraang linggo ang Government Service Express One-Stop-Shop sa SM Bacoor kung saan puwede na makipagtransaksyon sa 14 na tanggapan ng gobyerno:

(1) PSA, (2) PRC, (3) POEA, (4) OWWA, (5) SSS, (6) Pag-IBIG, (7) PhilHealth, (8) The Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority, (9) GSIS, (10) DOLE, (11) CHED, (12) TESDA, (13) MARINA at (14) NBI.
LTO Bacoor

Matapos ang ilang dekada ng pagkakalugar ng LTO Bacoor District Office sa Lungsod ng Imus, nailipat na ito sa Bacoor.

Kasalukuyang nag-o-operate ang LTO Bacoor sa RFC Molino kung saan pinahiram ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite ang kanilang extension office.

Itatayo ang permanenteng tanggapan nito sa Revilla Park sa lupang idinonate ng pamilya Revilla.

Dahil dito, hindi na kakailanganin pang dumayo ng mga mamamayan sa ibang lugar para sa pagkuha at pag-renew ng lisensya at pagrehistro ng kani-kanilang sasakyan.

PCSO Cavite
Nailapit na rin ang mga serbisyo ng PCSO sa mga Bacooreño sa pagbubukas ng PCSO Cavite branch sa Molino Road, Brgy. Molino II sa Bacoor.

Pinangunahan namin ni PCSO General Manager A­lexander Balutan ang pagpapasinaya sa bagong-bagong gusali na magiging taha­nan ng tanggapan.

Hindi lamang mga taga-Bacoor ang makikinabang sa pagbubukas ng permanenteng opisinang ito, kundi ma­ging mga taga iba’t ibang bayan at lungsod ng probinsya ng Cavite.