Una sa Balita

SERBISYO PUBLIKO 07/16/2017

0 7

Tinatawagan ng pansin ang mga kamag-anak at si VANESSA ABELLA, ina ng batang si VINCE ABELLA isang (1) araw pa noong siya ay iniwan sa Pasay City General hospital, noong February 6, 2016. Ngayon ang bata ay isang taon at apat na buwang gulang na. Mangyari lamang po makipag-ugnayan kayo sa lalong madaling panahon sa Saint Rita Orphanage, Dr. A. Santis Ave., Sucat, Parañaque City o tumawag sat tel #826-9263 at hanapin sina Lani Battulayan at Gemma G. Gilvero, social workers, upang mapag-usapan ang kapakanan ng bata.

***

Tinatawagan ng pansin ang mga magulang at kamag-anakan ng mga batang pinangalanang, ‘RUEL AT ROMMEL ESPINOSA’. Noong October 17, 2015, natagpuan ng hindi nakilalang mag-asawa si Ruel sa 2nd floor ng Victory Mall, Caloocan City sa ganap na 4:00 ng hapon. Sa parehong araw at lugar, natagpuan si Rommel sa 5th floor ng alas-6:30 ng gabi. Mabilis na inindorso sina Ruel at Rommel sa Yakap Bata Holding Center ng Caloocan City Social Welfare Department. Tinatayang tatlo hanggang apat na talong gulang si Ruel. Habang si Rommel ay tinatayang mag-iisang taong gulang ng sila ay matagpuan noong October 17, 2015. Naibigay sa pangangalaga ng Social Development Center ng Caloocan City Social Welfare Dept. sina Ruel at Rommel noong October 18, 2015. Nai-refer sina Ruel at Rommel sa Samaritan’s Place noong January 25, 2016 at natanggap sa pangangalaga noong February 11, 2016. Mangyari po lamang na maipag-ugnayan kay Ms. Maria Dulce Rose Alberto-Badong, social worker ng Samaritan’s Place, Silang, Cavite sa numerong (02) 330-5055 o 09178420626 upang mapag-usapan ang kapakanan ng bata.

***

Tinatawagan ng pansin ang magulang na si Mary Ann del Rosario o kamag-anak ng batang si Angelo del Rosario, 2 taon at limang buwang gulang na siya ngayon. Dinala ang nasabing bata ni Erica R. Camacho, social worker ng Municipal Social Welfare and Development ng Rodriguez, Rizal sa Kaisahang Buhay Foundation noon Oktubre 2, 2014 at siya ay nasa pangangalaga ngayon ng lisensiyadong foster family ng Kaisahang Buhay Foundation. Mangyari po lamang na maipag-ugnayan kay Precious Emy B. Bolla, social worker sa Kaisahang Buhay Foundation Inc. na matatagpuan sa #56 10th Avenue, Cubao, Quezon City o tumawag sa tel #912-1159 at 912-1160