Una sa Balita

Seo Ji Hye milyong piso ang halaga ng wardrobe sa ‘Crash Landing On You’

0 485

Speaking of massive wardrobe, daang-libo lang naman ang halaga ng mga damit at bags ni Yoon Se-ri na ginagampanan ng ­Hallyu actress na si Seo Ji Hye sa bagong K-drama na “Crash Landing On You”.

Kung susumahin, aabot na sa mil­yong piso ang isi­nuot niyang mamahaling brand sa ilang episode ng drama series. Mula ulo hanggang paa, mapa-coat at bags ay mula sa mga expensive brands gaya ng Loewe, Va­lentino, Alexander McQueen, ­Mulberry at Bulgari.

Sa episode 3, mula damit hanggang bag ay mula sa brand ng Valentino. Ang suot niyang Printed Crepe De Chine Trench ay tumataginting na P251,489 ang halaga. Itinerno niya pa ito sa kaparehong disenyo ng skirt na P151,802 naman ang presyo. Ang kanyang Small Valentino V-sling Shiny Calfskin Shoulder Bag naman ay halos P110,291 ang halaga.

Sa episode 4 ng “CLOY”, ang suot niyang Loewe Checked Linen Coat ay nagkakahalagang $2,650 o halos P134,991. Itinerno niya ito sa Loewe Gate Small bag na ang presyo ay P126,537.50. Sa isang eksena sa serye, ang suot niyang Tod’s Black Leather Blazer ay nagkakahalagang P254,460.

Sa episode 7 naman ay ginamit niya ang Small Iris bag mula sa brand na Mulberry na ang presyo ay P74,307. Sa epi­sode 8 naman ay ang Moynat Mini Réjane black handbag na nagkakahala­gang P214,696.

From top to bag naman sa episode 9 ay puro mamahaling items mula sa Alexander McQueen. Suot niya ang Piexed Trench Coat na ang halaga ay P113,812. Itinerno niya ito sa top na Rose print pussybow shirt na ang presyo ay P60,115. Ang bag na ipinares niya ay Pinter bag na nagkakahalagang P86,301.

Sa episode 10 naman ay gi­namit niya ang Serpenti diamont blast top handle mula sa Bulgari na ang presyo ay umabot sa P142,703. (Rona Ronda)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More