Sensitibong donasyon kailangan sa Marawi
Dahil sa patuloy na bakbakan ng militar at ng Maute group sa Marawi, maraming kababayan natin doon ang nangangailangan ng ating donasyon upang mairaos ang araw-araw na pamumuhay.
As of 9:00AM itong Martes, naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bilang ng mga apektadong pamilya/indibiduwal sa kaguluhan at umaabot na ito sa 14,313 pamilya o 71,115 katao.
Nasa ilalim ng Batas Militar ang naturang lungsod at upang matapos ang kaguluhan sa lugar, umaasa ang mga inosenteng sibiliyan sa maitutulong ng mamamayang Filipino sa kanilang kumplikadong sitwasyon.
Dahil Islamikong lugar ang Marawi, ipinapayo sa mga mag-aabot ng tulong na maging sensitibo sa kanilang mga donasyon, paalala ng awtoridad.

– Pagkaing Halal
Sa karne, maaari ang manok at baka. Huwag magpadala ng baboy, hotdog, meat loaf, Maling o Spam, sausages at noodles na ang flavor ay pork o batchoy.
Maaari ang de-latang corned beef at sardinas. Sa noodles, chicken at beef flavor lamang.
Mahalaga rin ang pabibigay ng tubig lalo na ang inumin.
– Kagamitan at kausuotan