Una sa Balita

Señor Lucas vs National Pride sa Sprint Trophy Race

0 260

WALONG tigasing ka­bayo ang magtatagisan sa 1st District Councilor Sprint Trophy Race sa darating na Linggo sa Metro Turf sa Malvar, Tanauan City, Batangas.

Ang nasabing karera ay bilang selebrasyon sa Mandaluyong Liberation Day Racing Fest 2020, ito ay may distansyang 1,000 meters.

Isa sa mamarkahan ng mga karerista ay ang Señor Lucas at National Pride sa event na may P300,000 na guaranteed prize.

Makakaharap ng Señor Lucas at National Pride ang Certain To Win, Hidden Light, Mini Model, Pinagtipunan, Son Also Rises at Yalla.

“Hindi ko na mahintay ang Linggo gusto ko nang mapanood ‘yung bakbakan nila at ibang batang kabayo,” saad ni Felipe Montano na pumapasyal sa pista para manood ng ensayo.

Samantala, inaasahang magandang laban din ang masisilayan ng mga karerista sa 2nd District Councilor Trophy Race.

Pitong astig na kabayo ang kasali sa distansyang 1,400 meter, at P300,000 din ang total prizes.

Kakaripas rito ang Adobo Country, Cambari Island, Correct Ka Dyan, Francesca Fire, Peace Of Mind, Space Jam at Tumalog Falls. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More