Una sa Balita

Senior High vouchers, ilalarga ulet

By
0 105

Good news para sa mga Grade 10 o junior high school completers na hindi pa nakakakuha ng Senior High School (SHS) vouchers, muling bubuksan ng Department of Education (DepEd) ang aplikasyon para sa naturang programa, upang makakuha sila ng subsidiya mula sa pamahalaan para sa kanilang pag-aaral.

Ayon sa DepEd, muli silang tatanggap ng aplikasyon para sa SHS voucher program (VP) mula Mayo 1 hanggang 15, nang taong kasalukuyan lamang.

Paglilinaw ng DepEd, “non-extendible” ang ­naturang deadline kaya’t dapat itong samantalahin.

Maaari umanong mag-aplay para sa programa sa http://ovap.deped.gov.ph.

Ang aplikasyon ay dapat na isumite online dahil hindi ipu-proseso ang hardcopy submission nito.

Sinabi ng DepEd na ang resulta ng aplikasyon ay iaanunsyo nila sa Mayo 31.

Ayon sa DepEd, ­eligible para sa SHS VP ang lahat at Grade 10 students sa katatapos na school year.

Awtomatikong kasama sa programa ang mga Grade 10 completers ng public high schools, na papasok sa SHS sa pribadong paaralan, non-DepEd schools o ‘di kaya’t mga state universities, habang kinakaila­ngan namang mag-aplay para sa programa ang mga Grade 10 completers, na mula sa private schools.

Una nang binuksan ang aplikasyon para sa SHS VP noong Nobyembre 2, 2016 at nagtapos noong Enero 13, 2017 para sa manual application at Pebrero 10, 2017 naman ang deadline para sa online submission.

Nais naman ng DepEd na mas maraming estud­yante ang makinabang sa programa kaya’t ­nagpasyang muling ­buksan ang aplikasyon para rito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy