Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senior high student todas sa hazing

0 142

Utas ang isang 21-anyos na senior high school student matapos sumalang sa hazing ng isang fraternity, Linggo ng umaga sa Brgy. San Jose Gusu, Zamboanga City.

Kinilala ni Police Major Yashier Sarikin, tapagasalita ng Zamboanga City PNP, ang biktimang si Joselito Fernandez Envidiado, grade 12 student ng Zamboanga City High School West, na nasawi habang ginagamot sa Zamboanga City Medical Center dahil sa mga tinamong pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan bunsod sa isinagawang initation ng fraternity.

Ayon pa kay Sarikin, unang naaresto ng pulisya si Marcelino Elmido Vinas Jr., 28, master initiator ng Tau Gamma Phi fraternity, na siya mismong nagsugod ka Envidiado sa ospital.

Sa interogasyon ng pulisya, itinuro ni Vinas ang iba pang sangkot sa hazing na sina Ruben Rizada Sebastian, Roldan Misal Paler, 28; John Dale Ong Bulalacad, 22+ADs- Eryan Viola Alabata, 20; Xavierwyn Rizada Sebastian; Cleven Tumazar Atis, 27; Fidel Bellamayor Cubol, 27; at Azis Rojas Camlian, 20.

Isa-isang nadakip ang mga ito, kung saan pinuntahan din ang bahay ng isang suspek kung saan isinagawa ang initiation rites at nakuha ang paddle na ginamit sa hazing na nakabalot pa sa sako.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang insidente habang nakatakdang kasuhan ang mga suspek dahil sa pagkamatay ng biktima. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.