Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senior citizen todas, 4 bahay natabunan ng guho

0 129

PATAY ang isang senior citizen habang sugatan ang dalawang iba pa sa nangyaring landslide sa Monkayo sa Davao de Oro, Lunes ng hapon

Sa report, namatay ang 70-anyos na babae habang sugatan ang dalawa niyang kasama na ginagamot ngayon sa ospital.

Aabot naman sa apat ang nawasak na bahay dahil sa landslide.

Sinabi ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) Alicia Cabunoc, na narekober na kahapon ang bangkay ng biktimang si Rizalda Matambonoy.

Nangyari ang pagguho ng lupa sa Purok 22, Barangay Mt. Diwata sa bayan ng Monkayo.

Sinabi pa ni Cabunoc, na posibleng ang malalakas na pag-ulang bunsod ng bagyong Auring at ang road construction sa lugar ang dahilan ng landslide.

Matagal na ring landslide-prone ang lugar base sa report ng Mines and Geosciences Bureau.

Nasa evacuation center naman ang walong pamilyang apektado ng landslide. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.