Una sa Balita

Senior citizen sinuwag ng kalabaw, patay sa Isabela

By
0 229

PATAY ang isang senior citizen na magsasaka matapos itong suwagin ng kanyang alagang kalabaw habang pinapastol ito sa Brgy. Quezon, Naguillian, Isabela noong Biyernes.

Nakilala ang biktima na si Domingo Cabaccan, 60-anyos, may-asawa, ng nasabing barangay.

Base sa report ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), ipinapastol ng magsasaka ang kanyang kalabaw malapit sa Fugo River sa Brgy. Quezon nang magwala at sinuwag ang biktima.

Dito, nasuwag sa tiyan ang biktima na agad dinala sa ospital ngunit ito ay dead-on-arrival ayon sa mga doctor.

Ayon pa sa IPPO, matagal na alaga ng biktima ang nasabing kalabaw at dati na umanong itong nagwawala.