Una sa Balita

Senior citizen nagpakamatay

By
0 995

NATAGPUANG nakabigti­ ng bulaklaking­ kumot ang isang senior citizen­ sa loob ng kanyang taha­nan sa Quezon City, noong Martes nang umaga.

Kinilala ng Criminal­ Investigation and Detection­ Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang nagbigti na si Isidro Beja Duran, 69-anyos, matandang binata, driver,­ tubong­-Pili Camarines Sur at residente ng No. 02 Kabataan St., Villa­real, Brgy. Gulod, QC.

Batay sa pahayag­ ni Richard Gaitos Valeriano,­ kapitbahay ng biktima, dakong alas-11:30 nang umaga noong Martes (July 17), kararating lamang niya sa kanilang bahay­ nang matanaw ang nakabiting­ katawan ni Lolo Isidro.

Aniya, si Lolo Isidro ay nagbigti gamit ang isang kumot na ipinulupot sa kanyang leeg saka itinali sa ‘metal beam’ ng kanyang tahanan.

Sa takot ay agad na tinawag ni Valeriano ang mga tambay upang i-report sa barangay nila ang ginawang ­pagpapatiwakal ni Lolo Isidro, na siya namang tumawag sa himpilan­ ng pulisya upang ipagbigay-alam ang naganap­ na insidente.

Tumanggi namang paimbestigahan pa ni Esperanza D. Siojo ang pagbibigti ng kanyang kapatid dahil naniniwala­ siyang nagpakamatay si Lolo Isidro.

Ayon sa mga kapitbahay, nitong mga huling­ araw ay napapansin na nila ang pagiging malungkutin at panghihina ni Lolo Isidro na posibleng may dinaramdam na sakit.