Una sa Balita

Senior citizen nagbigti

By
0 118

Isang senior citizen na padre de pamilya ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng kanilang bahay sa Cubao, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilala ni PO3 Louie Serbito, ng Crimi­nal Investigation Detection Unit (CIDU) may-hawak ng kaso na si Fernando Donaire y Po, 66, may-asawa, ng No. 21 Westpoint St., Brgy. Rodriguez, Cubao, QC.

Ayon kay PO3 Serbito, ang biktima ay nakita na lang na nakabigti sa loob ng kanyang kuwarto dakong alas-6:30 ng gabi ng kanyang kaanak na si Francis Aleman.

Sinasabing may kukunin sana si Aleman na pagkain sa kanilang ref­rigerator nang makita ang biktima na naka­bigti gamit ang nylon cord na nakatali sa kanyang leeg habang nakabitin sa door knob ng kuwarto nito.

Agad namang ipinagbigay-alam ni Aleman ang insidente sa mga anak na sina Rockie, Remedios, at Rosana Donaire kaya agad itong sinaklolohan.

Kinalas sa pagkakabitin ang biktima at agarang binigyan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR).

Lumilitaw na huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-singko ng hapon habang gina­gawa nito ang kanilang waching machine.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy