Una sa Balita

Senior citizen nag-suicide sa loob ng kotse

By
0 646

ISANG senior citizen ang umano’y nagbaril sa ­sarili sa loob ng kanyang sasakyan sa isang parking lot ng fast food chain sa Las Piñas City kahapon ng umaga.

Dead on-the-spot ang biktima na kinilalang si Joseph de Castro y ­Ancheta, 75-anyos, ng 32 Skynet Street, Moonwalk Village, Talon Singko, Las Piñas City, ­sanhi ng tinamong tama ng bala sa tiyan.

Sa inisyal na ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente sa parking lot ng McDonald’s, na matatagpuan sa Alabang-Zapote Road, Almanza 1, sa nasabing lungsod.

Nabatid na duguan at wala nang buhay ang biktima nang madiskubre ng guwardiyang si Diogem Ocado y ­David, 29-anyos, sa loob ng isang itim na Toyota Revo na may plakang XEZ-750 sa naturang parking lot.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime ­Operatives (SOCO) ng SPD sa pangunguna ni Senior Insp. Gerald ­Vilar, narekober ang isang homemade silver caliber .38 snub nose Smith and Wesson na walang serial number na kargado ng dalawang bala, dala­wang basyo at lahat ng personal na gamit ni De Castro sa loob ng sasakyan.

Sinabi naman ni Las Piñas City Police acting chief, Senior Supt. ­Simnar Gran na hindi pa matukoy kung nagbaril ba ang biktima o ­binaril sa loob ng kanyang sasakyan.

Ayon pa kay Sr. Supt. Gran na isasailalim sa paraffin test ang biktima upang malaman kung siya ba talaga ang nagpaputok ng baril at nagsagawa ng pagpa­patiwakal.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy