Una sa Balita

Senior citizen kalabaso sa pagtutulak ng droga

By
0 3,137

Rehas na bakal ang kinasadlakan ng isang senior citizen na umano’y drug pusher sa kanilang lugar, matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P/ Chief Inspector Jowilouie B. Bilaro, head ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), paglabag sa Sec. 5 and 11 Art. 11 of R.A 9165 ang kinakaharap na kaso ng suspek na si Federico Ruiz, 62 ng Area 5, Pinalagad, Brgy. Malinta ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jerry Terte, bandang alas-10:00 ng gabi, ikinasa ng mga tauhan ng SDEU ang buy-bust operation, saan target nila na maaresto si Ruiz.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni Major Bilaro may ilang linggo din naka-under surveillance ang suspek dahil sa pagtutulak nito ng iligal na droga.

Isa sa mga pulis ang nagpanggap na buyer at nang iabot na ni Ruiz ang shabu sa parokyano, pinosasan na ito ng mga naka-antabay na mga pulis.

Nakuha mula kay Ruiz ang dalawang (2) heat sealed transparent plastic sachet na may lamang shabu at limang (5) pirasong P100 bill na marked money.

Walang piyansang inirekomenda ang piskalya para sa pansamantalang paglaya ng suspek.