Una sa Balita

Senior citizen, drug surrenderee pinaslang

0 6

ILOCOS SUR — Dalawa-katao ang bumulagta dito kabilang na ang isang drug surrenderee at isang senior citizen sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan kamakalawa.

Sa bayan ng Sto. Domingo, kinilala ni Deputy Chief of Police SPO4 Arnel Tobia ang biktima ng pamamaril na si Jenefer Ugale, nasa hustong gulang at taga-Dacutan, Magsingal.

Ilan sa mga anggulong tinitignan ng mga awtoridad bilang motibo sa pagpaslang sa biktima ay ang pagkakasangkot nito sa isang robbery-hold-up at ang pagiging drug surrenderee nito.

Lumalabas sa imbestigasyon na binabaybay ng biktima ang kahabaan ng national highway sa barangay Parada ng bayang ito nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek.

Sa bayan naman ng Santiago, away sa lupa ang tinitignang motibo sa pagkakabaril hanggang mapatay ang isang senior citizen sa Barangay Sabangan dito.

Ayon kay P/SInsp. Aristeo Tajon, hepe ng Santiago Municipal Police, sakay ng tricycle ang biktima na nakilalang si Felicita Limon, 72-anyos, biyuda, isa nang US citizen nang pagbabarilin ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Aniya, makikipagkita sana ang biktima sa buyer ng lupang kanyang ibinebenta nang mangyari ang insidente.