Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senglot tinangay ng agos

0 182

NASAWI ang isang lasing na lalaki na naligo sa isang resort nang nalunod matapos tangayin ng malakas na agos sa Tanza, Cavite Linggo ng hapon.

Isinugod pa sa JNRAL Family Hospital ang biktimang si Randy Arca Pamittan, 28, binata, ng Lower Bicutan, Taguig City subalit idineklarang dead on arrival.

Sa ulat ni Pat John Paul Cruz ng Tanza Police Station, nagtungo ang biktima at mga kasama nito sa Garden Coast Resort sa Brgy Capipisa, Tanza, Cavite para sa isang outing kung saan naligo at nag-inuman.

Alas-2:00 kamakalawa ng hapon, sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay naisipan ng biktima na maglublob sa tubig hanggang sa tangayin umano siya ng malakas na agos at nalunod.

Mabilis namang rumesponde ang mga kagawad ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lugar at matapos ang mahigit 3-oras ay narekober ang katawan ng biktima at isinugod sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.