Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senglot nilamas boobs ng dalaga

0 81

Rehas na bakal naman ngayon ang hinihimas ng isang lalaki nang gapangin nito at himasin ang dibdib ng isang dalaga sa Navotas City.

Kinilala ni Northern NCR MARPSTA chief P/Major Randy Ludovice ang naarestong suspek na si Neil Alag alyas “Laway” ng Navotas Fish Port Complex (NFPC), Brgy. NBBN.

Ayon kay Major Ludovice, habang natutulog sa kanilang bahay ang biktima ala-una ng madaling araw ay nagising ito nang maramdamang hinihimas ng noo’y lasing na suspek ang kanyang dibdib.

Nang pumalag ay mabilis na tumakabo ang suspek habang agad namang humingi ng tulong ang biktima sa mga opisyal ng Brgy. NBBN.

Sa isinagawang follow up operation ay naaresto ng mga tanod ang suspek saka itinurnover sa mga tauhan ng Navotas Maritime Police (MARPSTA).

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Art. 336 “Acts of Lasciviousness” RPC ang suspek sa Navotas City Prosecutors Office.

Leave A Reply

Your email address will not be published.