Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senglot na SUV drayber nakabundol; 1 dedbol, 1 sugatan

0 98

Patay ang isang construction worker habang sugatan ang kasama nitong 17-anyos matapos silang mabundol ng sport utility vehicle (SUV) na mimamaneho umano ng nakainom na lalaki sa Lipa City, Batangas noong Linggo.

Kinilala ng Lipa City Police ang nasawi sa aksidente na si Limuel Quiambao, 29-anyos samantalang nakaratay pa sa ospital si Jay Em YUmol dahil sa mga tinamong pinsala sa katawan.

Sa imbestigasyon, naglalakad ang mga biktima sa tabi ng JP Laurel Highway sa Brgy. Marawoy nang bigla silang mahagip ng Mitsubishi Montero Sport na minamaneho ni Patrick Kyle Castillo, 24-anyos at residente ng Brgy. Bagong Pook sa Lipa City bandang alas-3:30 ng madaling-araw.

Naisugod pa sa Lipa City District Hospital ang mga biktima na kapwa taga-Arayat, Pampanga pero idineklara dead on arrival si Quiambao.

Nasa kustodiya na ng Lipa City Police Station si Castillo na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.