Una sa Balita

Senglot na nandakma ng boobs kalaboso

0 254

Himas rehas ang 35-anyos na construction worker makaraang mandakma ng dibdib ng dumadaang dalaga sa Malabon City, kamakalawa nang gabi.

Sa loob na ng kulu-ngan naalis ang pagkalasing ni Antonio Tan, naninirahan sa Brgy. Longos ng nasabing lungsod, matapos ipakulong ng biktima na itinago sa pangalang ‘Norma’, 29, sales lady.

Sabi ng dalaga, bandang alas-10:00 nang gabi nang mangyari ang insidente sa MC Letre, Brgy. Longos, Malabon City.

Dumaan daw ang suspek at malisyoso siyang tiningnan at sinabihan siya ng “Hi Miss!”

Hindi ito pinansin ng biktima pero nilapitan siya ni Tan at dinakma ang kanyang dibdib, kaya nagsisigaw ang huli.

Tiyempo naman na naroroon sina PSSg Joselito Innocensio at PCpl Gene Jerusalem ng Police Community Precinct (PCP) 3 na nagsasagawa ng pagpapatrolya kaya dinala sa presinto ang suspek at ikinulong.

Todo ang paghingi ng tawad ng suspek sa biktima, pero itinuloy pa rin ng huli ang pagsasampa ng kasong act of lasciviousness sa una.

(Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy