Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senglot na nagmotor dedbol

0 139

DAHIL bangag sa alak, isa ang patay habang malubhang nasugatan ang angkas nito matapos salpukin ng sinasakyan nilang motorsiklo ang electric post sa Barangay Bangag, bayan ng Lallo, Cagayan, Sabado ng madaling araw.

Kinilala ng Lallo Police Station (LPS) ang namatay na si Eduardo Cachola Jr., 38, habang nasa kritikal na kondisyon ang kasama nitong si Arjay Castro, 20, parehong taga-Barangay Cabayabasan, sa nasabing bayan.

Sa inisyal na report, nangyari ang aksidente ala-1:46 ng madaling araw. Tinatahak ng mga biktima ang kalsada ng Barangay Bangag nang biglang nawalan ng kontrol sa manibela si Cachola.

Sa bilis ng kanilang takbo, humampas sila sa streetlight bago rumampa sa concrete barrier.

Nagtamo ng malalalim na sugat sa ulo at katawan si Cachola sanhi ng agaran niyang pagkamatay habang si Castro ay nakaratay sa Aparri District Hospital.

Kinumpirma ng LPS na positibong nasa impluwensya sa alak ang dalawang biktima. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.