Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senglot na contractor inararo 4 sasakyan, tindahan

0 338

Patong-patong na kaso ang kinakaharap ng 34-anyos na contractor nang araruhin ang apat na kotse, motorsiklo at tindahan sa Tanza, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Juanito Tolentino, ng Brgy. Biga, na nireklamo ng may-ari ng ari-ariang kanyang nasira sa Brgy. Bagtas.

Sa ulat ni Pat. John Paul Driz ng Tanza Police, bago naganap ang insidente ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang lasing na suspek sa kanyang pinsan na nauwi sa suntukan, alas-10:30 Sabado ng gabi sa Carissa Homes.

Sa sobra umanong galit, umalis ang suspek at sumakay sa kanyang kotse.

Dito na umano niya sinadyang araruhin ang apat na nakaparadang sasakyan, isang motorsiklo, isang tindahan at isang water meter ng mga biktima saka umalis, pero makalipas ng ilang minuto ay bumalik ang suspek sa lugar kaya tinangkang arestuhin ng mga barangay tanod pero tumakas ito hanggang sa nakorner na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa resisting and disobedience, diving without licence, at reckless imprudence resulting to damage to propety. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.