Una sa Balita

Senglot kalaboso sa dalang baril

0 252

ARESTADO ang isang surveyor aid matapos mahulihan ng baril habang ­nakikipaginuman sa gilid ng kalsada sa Barangay Lomboy, ­Villasis, Pangasinan kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ni Villasis Police Station (VPS) commander P/Maj. Fernando Fernandez ang suspek na si Henry ­Lopez, 51-anyos, nang nasabing barangay.

Ayon kay ­Fernandez, isang tipster ang nagsumbong sa VPS na mayroong dalang baril ang suspek na nakiki­pag-inuman sa gilid ng kalsada sa nasabing ­barangay.

Rumesponde ang pulisya sa ­pamumuno ni P/Chief Master Sgt. Raul O. Macaraeg at hinuli ang suspek. ­Nakuha sa kanya ang isang .45 pistol, 11 ­nitong bala at 16 na bala ng .9mm pistol.

Dahil walang ­ma­i­­­­pakitang ligal na ­papel ang suspek, ­dinala siya sa VPS at ­nahaharap ito sa kasong illegal possession of ­firearm and ammunitions.
(Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More