Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senatorial bet tutuldukan pandemic sa loob ng 1 buwan

0 218

Petmalu ang isang kandidato dahil ibinibida niya na kaya niyang puksain ang Delta variant at tapusin ang COVID-19 pandemic sa loob la­mang nang halos isang buwan o kabuuang 40 araw kapag siya ay nahalal bilang senador.

Ito ang binitawang salita ni Rodelo Pidoy, tu­bong Antique, na nag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) noong Sabado, October 2 sa Pasay City.

“I can end this pandemic in a matter of 40 days… And all those delta variants, I can kill all of them immediately,” batay sa speech ni Pidoy matapos mag-file ng COC.

Ayon kay Pidoy, kaya niyang manggamot sa pamamagitan lang ng tawag o text.

Plano sana ni Pidoy na tumak­bong presidente subalit kulang pa ang kanyang edad kaya nagdesisyong tumakbo na lamang bilang senador pero una na niyang plano ang pagka-presidente da­hil sa loob lamang ng pi­tong araw ay kaya niyang tapusin ang virus na wala nang mahihirapan pang Pinoy. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.