Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senatorial bet may tagapaypay sa kampanya

0 102

Sino daw itong kandidato sa pagka-senador ang may taga-paypay pa ng bisitahin ang mga biktima ng bagyo sa Visayas kamakailan?

Naitsika ng isang Marites kay Mang Teban na itong kandidato ay nagbitbit daw ng relief goods sa mga binagyo sa Leyte.

Siyempre, dahil sa tumatakbo ito sa pagka-senador ay nagdala rin ito ng photographer at videographer para naman maibalita ang kanyang pagtulong sa mga binagyo.

Walastik! In aid of election pala ang pagtulong nito sa mga binagyo kaya para na rin siyang nangangampanya imbes na relief distribution.

Nagdala rin ito ng water filtration system para nga naman hindi na bumili ng mga bottled water ang mga residente.

Sinampolan pa niya kung paano gamitin ang water filtration system pero habang ginagawa niya ito ay abala naman ang dalawa niyang alalay sa kakapaypay sa kanilang amo.

Take note, hindi simpleng pamaymay ang ginamit ng dalawang alalay kundi karton na ginagamit sa balikbayan box.

Pintahan nyo na. Ang senatorial candidate na may tagapaypay sa kampanya ay may letrang S sa pangalan at apelyido as in Syota niya dati ay taga-Malacañang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.